Bastusang Usap -____-
Yung magkausap kayo tas puro storya nya lang

At kapag nag open ka nang topic sya naman ay:
At tuloy sa kwento.
Ikaw naman sapilitan ka nalang napapa:

Pero sa totoo lang…


Ka yamot eh no?

Clara’s Note: Takte.Sige magkwento ka lang.Wala kasi akong ikekwento eh no?Tas magtataka ka kung bakit para akong patay sa pag uusap natin. Kainis. Kahit gaano pa ka boring or complex kwento nya sinusubukan ko maki sakay kasi ambastos kung dededmahin or no reaction ako pero taena naman. Bat pag dating sakin pag di mo matipuan topic DEDMA SA DEDMA puro iyo lang. Ka banas.Maghanap ka nang kausap mo!
M.U.
M.U.
Mutual Understanding
Magulong Usapan
Malanding Ugnayan
Mag UN (LOL)
Siguro kaya may M.U. ito ay para sa mga taong nag “tetest” kung saan patungo yang samahan nila. Pwedeng matuloy sa pagiging kayo o kaya hindi- “friends” lang. Yah. Maraming nagsasabi masaya pag may ka M.U. ka. Nagbibigay kilig sayo, papasaya, parang kayo na hindi ang dating. Nag aalala kayo sa isa’t isa, nag aaway maya maya bati na kala mo drama eh sila pero hindi. Kung pakikinggan mo nakakatuwa nga no? Basag trip to pero ako na magsasabi sayo: WAG MO NANG BALAKIN.
M.U.? Dati isa rin ako sa natutuwa at kinikilig dyan pero nang maranasan ko yan ilang beses at mayroong pinaka matindi..ayoko na. Sino bang matutuwa sa mga ganyang nangyayari eh hindi naman kayo? At the end of the day wala namang kasiguraduhan na ikaw lang iniitindi nya. Di mo ba naisip malay mo di lang pala ikaw ginaganyan nya? Yung tinetext nang “good morning” “ingat” “kamusta”? Paano kung isang araw nagising yan nagsawa na yan sayo iniwan ka ni walang matinong explanation. Bakit nga ba sya mag eexplain..bakit?Kayo ba? Yan lagi labanan sa M.U. ang pinaka mapait na tanong “KAYO BA?” Di ka pwede mag selos. Kayo ba? Di ka pwede magpakita nang tunay mong nararamdaman- nasasaktan ka. Kayo ba? Di pwede magsabi nang bawal. Kayo ba? Masakit pag yan naibato sayo lalo na sa gitna nang away yang “Bakit?Tayo ba?” o kaya “Astang GF/BF” OUCH lang kuya at teh. Pwede dahan dahan sa pananalita? May puso’t damdamin lalaugan rin ako!
Haha tunog bitter tong entry na to pero sinasabi ko lang yung mapait na katotohanan tungkol dito. Hindi ko ninais tong M.U. na to. Una magkaibigan, nagkakatuwaan hanggang sa mapalapi’t sa isa’t isa hanggang isang araw sya mawawala. Gusto ko nang stable na relationship problema si lalake di ready. Lagi nalang di ready (Babae ata talaga tong mga nakaka ugnay ko. Kaloka!) kesyo in love pa sa nakaraan (sige nga nga lang. Malayo mararating mo) , mahal trabaho (sige magsama kayo!) at nasaktan nang husto kaya ayaw muna (ka malas ko o.sauce!). Yan mga chicks este yung guys nan aka M.U. ko. Pinaka huli matindi eh combo sa kanya: LAHAT yan rason nya. Dabaah?? Nakaka loka sobra.
Ang M.U. sa tingin ko di pinatatagal yan. Kasi lalong kumukumplikado. Habang tumatagal aminin mo man to o hindi napapaisip ka san nga ba patungo to? Na nararamdaman mo parang gaguhan lang ginagawa nyo. Diba pwedeng maging totoo ang lahat? Na hindi naman kayo eh paano kung biglang nagsawa na sya? Paano kung may iba rin pala sya? Kumplikado. Kasi wala kang karapatan. Di mo alam SAAN KA BA TALAGA LULUGAR.
Kung may nararamdaman talaga kayo sa isa’t isa edi pag usapan nyo nang masinsinan. Itanong nyo saan ba patungo to? Nakakatakot tanong nayan kasi..pwedeng isagot nya na sige subukan natin o kaya pinaka matindi “friends lang tayo”. Bullshit eh no? Astang kayo sabay “friends lang tayo” WAPANG! Pero totoo yan. Pag sinabi nya yan lumayo ka na. Wag ka nang magpaka tanga at umasa. Napaka selfish. Bakit kamo? Kasi gusto nila sila lang may benefit na nakakadama nang parang nasa relasyon pero wala naman talagang balak. Tas kapag nakita kang nakakaya na wala na sya o kaya nagiging masaya ka na saka ka babalikan. Punyeta eh no. Ang swerte mo naman teh? Puro IKAW nalang di ba pwede AKO muna? Tsaka kung tunay kayong friends eh inaalala nyo kapakanan nang isa na wala kang balak saktan kaibigan mo. Pssshh..friends with benefits ahum?Wag daw bigyan nang malisya pagiging sweet. HUTAENA. Kuya sino bang ginagago mo? Kasi itanong mo man yan sa Tulfo brothers baka magulpi ka lang rin nang mga yun nang maanghang na salita. Dahil alam mo ang TUNAY na pagiging sweet nang isang TUNAY na kaibigan sa hindi. Eh kung sya kaya lumugar sa pwesto mo nang malamang nya. Correct diba? Kaya bullshit nyan. Nyetang excuse. Kelangan daw nang time? Pag bigyan. Nang malaman nya kahalagahan mo at asan ba talaga kayo. Kasi may girlfriend/ boyfriend? Sauce. Eto ha. Bago tuluyang kumumplikado yan eh lumayo ka na- sa ngayon. Kung kayo edi kayo kung hindi..hanap nalang. Bakit kamo? Kasi may problema yung dalawa. Imbis makatulong ka sa problema makakadagdag ka-pwede sa ngayon di alam tungkol dyan eh pano kung nalaman? Laking gulo. Sabihin mo dyan sa ka M.U. mo eh pagusapan nilang dalawa nang maigi yang problema nila. Pag ayaw ay nako lumayo ka na. Kasi kung gusto ka talaga nang tao gagawa nang paraan yan para maging kayo. Yun ngalang lalabas nyan eh ikaw manunulot. Bigyan mo sila nang time and space na anjan ka parin naman pero KAILANGAN maayos nilang dalawa yun. KALANDIAN. Ayan. Eto lang masasabi ko. Maraming tao natutuwa sa landian nayan. Kasi masaya tas may thrill. Pero hinay lang kuya ate. Pakatandaan sa landian may uwiang talo. Isa lagi sa inyo nagkakagusto sa kalandian tas yung isa kiber landi lang talaga. Sana huwag ikaw uuwiang luhaan at talo sa laro nyong dalawa.
Ayun lamang masasabi tungkol dito. Tatagan mo puso’t utak sikmura mo kesa tumanga ka dyan at nga nga lang gawin tas iiyak ka nalang.
Clara’s Note: Tagal ko rin nawala at di nakapag post nandun kasi ako sa main Tumblr account hehe. Anon ang drama nang lola nyo dito :P Any violent comment and suggestion eh wag na hahaha. Wag naman kasi violent. May katanungan komento? Gora lang. Hanggang sa muli J
